logo


Ibubulong Ko na Lang sa Hangin

October 29, 2009 by ngitingbatis filed under Poetry | 546 views

Ibubulong ko na lang sa hangin…

 

 

Ibubulong ko na lang sa hangin

ang aking pag-ibig

na ‘di masabi-sabi,

baka kasi ika’y magalit

kapag sa iyo’y tuwirang sinambit.

 

Kaya manapa’y ang aking gagawin

ay sasabihin sa hangin

upang doon mo alamin

ang aking damdamin.

 

Sa hangin…sa hangin…

doon mo dinggin…

iyong dinggin..iyong alamin…

ang pinakatatanging pag-ibig…

 

Sapagkat ibubulong ko na lang sa hangin

upang doon mo na lang dinggin

kung sakaling ayaw mong makinig

o kaya’y ayaw mong marinig

ang aking pag-ibig

na manggagaling mismo sa aking bibig…

 

 

Ibubulong ko sa hangin…

 

Ibubulong ko na lang sa hangin…

 

At doon mo dinggin…

Post Metadata

Date
October 29th, 2009

Author
ngitingbatis

Category

Tags


Leave a Reply