Akala Ko’y Isang Banyaga
October 29, 2009 by ngitingbatis filed under Poetry | 318 viewsSambit mo nga ’y ‘di ko ibig dinggin.
Kung saan ka man nagbuhat o nanggaling
Ay hindi ko binibigyang-tuon o pansin.
Dumating ang isang hapong ‘di ko inaasahan,
Kahit pa nahihiya, ako’y iyong nilapitan.
Inalam mo kung ano ang aking pangalan
Saka ipinaabot mong ika’y isang kaibigan.
O, alam mo pala ang magpaunlak,
Sa iyong imbitasyon, ako ay naganyak.
Sa tuwina’y sa hangin ako nakatapak,
Idinuduyan ng malambing mong hawak.
Ang hindi ko matanggihang tawag,
Nagmula sa isang magiliw na dilag.
Damdamin ko’y napukaw at natinag
Sa ipinaabot mong kabaitang hayag.
Isang pag-ibig na dakilang-dakila
Ang iyong ipinadama’t ipinakilala,
Ang dating inakala kong isang banyaga,
Sa aki’y isa palang malaking pagpapala!




