010304 bolang nagsasaboy ng liwanag
January 24, 2009 by manonton dalan filed under Poetry | 490 viewsnaramdaman kong hatakhatak aking kamay
sunodsunuran akong sa makipot bumabaybay
umiikot bolang kristal nagsasaboy ng liwanag
sabay sa tugtug, salo ng damit mong matingkad
huminto tayo sa gitna, nagtinginan, umakap ka
dala ng musika ating katawang magkadikit, iisa
mga maliliit mong hakbang ay tumutulay sa awit
mga daliri mo, naramdaman kong pumipitikpitik
at kung pisngi mo’y mapalapit binibigyang halik
ihinaharap mo iyong bibig dinadampi ko ng saglit
sabay ng yakap mong mahigpit at ngiting kay tamis
kasiyahang binabalik mga sandaling walang kaparis
parang minsang umikot ang aking mahiwagang mundo
mapalad kang nag-iisang nanonood sa boung buhay ko
bagamat bahagi ka ng aking paglalakbay, dika masaya
nalaman ko, naiintindihan ko, ako ang dapat magdusa
ngayon napagtanto kong mainam pag ako’y nag-iisa
mayroon akong kalayaan at panahong alalahanin ka




