010303 kay tagal kong naghintay
January 23, 2009 by manonton dalan filed under Poetry | 597 viewspanaypanay sipsip ko sa kopang aking tangan
naglakbay ang damdaming kong may lumbay
diko maalaala kahit minsan iyong simumbatan
naglaho ka laang galing sa dati nating tipanan
di naman ako nagtangkang hahanapin ka sinta
umasa na lang na ikay nagtampo at magbabalik
ngayon nandito ka nga, kasing lapit ng sulyap
nauulinigan ko mga kuwento ng iyong katabi
at natutuwa ako, lalo nat lumilingonlingon ka
nagpadala akong inumin kasama isang bulaklak
hinalikhalikan mo’t tumingin ka ng pasulyap
nasagip tamis ng iyong ngiti isip koy napalipad
nilapitan mo ako at niyakap mo aking balikat
inilapit mo iyong pisngi sabay ng yong hatak
mariin kong idinampi ang aking bibig, nanuyo
mapupungay na mga mata mo, ako’y sumuko
bumulong ako ” tagal akong naghintay sa iyo”
mabining sagot ” alam mo, ako’y para sa iyo”
http://poemhunter.com/manonton-dalan?





Click on the Image for Details