logo


010302 butil sa isip ko nakabaon

January 17, 2009 by manonton dalan filed under Poetry | 594 views

nagawa kong pisilin ang kopa
namumutawi sa nauutal na labi
ano kaya ang ginagawa mo rito sinta
di ba ayaw mo na muling akoy makita
dinamdam ko noon at akoy lumayo
nagbakasakaling akoy makalimot
nanuyo ng diwatang katulad mo

malakas ang kalooban kong magsabi
mga damdaming dati kong itinatabi
mabilis ang mga daliring sumasamba
sa kariktang sa tingin koy nagnanasa
ng lambing na sa kalooban koy sagana
pikit mata kong sinagwan ang mga alon
sumisibol ang butil sa isip ko nakabaon

diko maalaala sandaling akoy nakalimot
kahit sa matahimik na gabing akoy balot
ng himbing, nilalaro pa ako ng panaginip
ng init ng iyong mga masuyong mga halik
tanda ko sinta mapupungay mong mga mata
unang bumabati sa akin pagsapit ng umaga
kalakip ng mga yakap nagbibigay ginhawa

http://poemhunter.com/manonton-dalan/

Post Metadata

Date
January 17th, 2009

Author
manonton dalan

Category

Tags


Leave a Reply