logo


0103091 kung kailan kita nalilimot

January 16, 2009 by manonton dalan filed under Poetry | 406 views

pagdampi ng bibig ko
sa kopang inumin
nasilayan kong ganda
mong dati akoy inaalipin
kariktang namumukadkad
sa lawang, mga matang nakatingin;
nagnanasang iyong pansinin

alam ko, akoy nakita mo rin
may ngiti kang umaakit ng hangin
tinumbasan ko ng maamong kaway
nagdugtong mulit ating paningin
nagdulot kasiyahang kay tamis
na dati tubog sa matinding inis
nauwi sa binibig kong “mahal kita”

nginitian mo ako’t ika’y huminto
alinsabay imbayog ng katawan mo
oo! nagbalik na muling alapaap
sa boung katawan koy laganap
tibok ng nagdaang sandali, yakap
bakit naman kung kailan kita nalilimot
bigla kang sa aking mundo sumusulpot

http://poemhunter.com/manonton-dalan/

Post Metadata

Date
January 16th, 2009

Author
manonton dalan

Category

Tags


Leave a Reply