logo


makitam aya

November 12, 2008 by manonton dalan filed under Poetry | 411 views

matahimik na paligid, di mapanganib
balisang damdamin kimkim sa dibdib
bulong ng mga dahong kumakawaykaway
kayamanang lihim ay tanging taglay
silip ng buwan, banaag sa landas
sinasariwa mga saglit na nakalipas

patak ng luha sa dilim napawi
matang malamlam, nakatikom na labi
naglalakbay sa duyan ng gabi
munting kubong pinagmulan
may ningning at kapayapaan
naghihintay sa matagal ng lumisan

simoy ng hangin taghoy ng damdamin
tinatahak ang malawak na bukirin
sigaw ng kaluluwang nakabaon sa lupa
hawiin sa hirap, pagmamamhal ay ipadama
paano kaya talamak na ang pinsala
didinggin po ba kaya; pangako ng dila

Post Metadata

Date
November 12th, 2008

Author
manonton dalan

Category

Tags


Leave a Reply