Dalawa pang Peste sa buhay ko
September 19, 2008 by Tito Laya Nisperos Jr. filed under Poetry | 952 views1
Talagang napaka-Tuso
Ang ma-Ulong si Kuto–
Hindi niya Pinapatulan
Ang Ulong Natitigang!
2
Nabanggit ko na ang Torpeng si Ipis
Na kay-Bilis magtago ang Lintik!
Nahihiya, papuslit-puslit
Katawan naman, e, nililinis!
3
Di na rin natin isasali si Surot
Na kunwari tutulug-Tulog
Pero kanya pa ring hinahagod-Hagod
Ang puting Likod ng aking Irog!
4
Kay Lamok ako ngayon Naiinis!
Umaawit pa habang Humahalik!
Pero ang talagang nakaa-Asar–
Pinapasok ang aking Lalamunan!





Click on the Image for Details
Tito Laya Nisperos Jr.
Noong nasa College pa ako, marami akong ginawang mga Tula na simple at “humurous” (para hindi maka-insulto kung bigyan man ng ibang kahulugan ng bumabasa). Pangalan ng mga hayop, insecto, pati pangalan ng tao tulad ng “Perla,” “Virginia,” “Gloria,” “Angela ken Lucifa” etc, ang laman ng mga tulang ito sa forma na 4-lines or Quatrains with 6 to 10 syllables in length in each line. Hindi ko akalain na ang nga ganitong maliliit na tula ay fit na fit sa aking mga “kantaniws” ngayon! … Sa palagay ko, dapat bigyan ng puwang ang mga “humurous” na tula na nakaka-entertain upang maiba naman sa mga tulang “hunahagulhol sa labis na lungkot dahil sa pag-ibig.” Kung sa akin lang, hindi ako namimili ng paksa–lahat ng nararamdaman ko sa buhay, basta nakakaya ko ay sinusulat ko.
September 19th, 2008 at 1:06 amSherma E. Benosa
Hehehehehehhehehehehehe!
Nakakatuwa nga ang humorous pieces, Manong Tito. They can make one’s day.
Kahit ano pong paksa ay worth writing about.
September 20th, 2008 at 12:05 am